Mula pa noon sa kapanahunan ni Dr. Jose Rizal,sinabi niya na ang mga kabataan ay pag-asa ng bayan.Sa kanyang kabataan,ipinapakita niya kung ano ang tunay o dapat gawin ng isang mapagmahal na kabataan sa bayan.Marani siyang ginawa para maipakita niya lamang ang kanyang labis na pagmamahal sa bayan.Isa sa nga nagawa niya ay ang pagsulat na ibat-ibang nobela laban sa mapang-aping mga dayuhan.Inialay pa nga niya ang kanyang sarili para lamang sa kalayan ng inang bayan at nang kanyang mga kababayan.
Sa panahong ipinagtanggol ni Rev.Vicente Garcia ang kanyang nobela laban sa pangbabatikos at pang-aakusa ng mga mananakop,masayang-masaya si Rizal dahil hindi pala siya nag-iisa-meron pala siyang kakampi.Dahil doon, proud na proud siyang nagreply ky Rev. Garcia at ito ang sinabi niya sa kanyang sulat:"We young Filipino youth are trying to make over a nation and must not halt in our onward march;But from time to time, turn our gaze upon our elders.We wish to read in thier countenances approval of our action.We are anxious to learn of the Philippine past which we need to understand in order to plan inteligently for the future.We want to know all that our ancestors knew and add our own studies to thiers.Thus,we shall progress the faster because we can go on from where they left off".
Napakaganda ng mga mensahe ni Rizal.Talagang ipinagmamayabang niya ang tunay na magagawa ng mga kabataan.Gusto sana niya na ang mga kabataan ay siyang magdadala sa bayan,magdadala hindi sa kasakiman kundi sa kabutihan.
Ngunit ngayon,kumusta na man tayong mga kabataan?Ipinapakita ba natin ang ating pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan?Kapwa ko kabataan,maawa tayo sa ating inang bayan.Ang ating bayan ay unti-unti nang gumuguho.Hihintayin pa ba natin na ito ay matutunaw?Papayag ba tayo na lagi na lang aabusuhin ang ating bayan lalo na ang ating kalikasan?
Kapwa ko kabataan,bumangon tayo.Tulungan natin ang ating bayan na sa ngayo'y naghihingalo.Iwasan na nating gumawa ng kasamaan kundi iahon natin ang ating bayan sa kabutihan.Tayo ang pag-asa ng ating bayan hindi bukas kundi ngayon.Ngayon ang panahon ng pagbabago,hindi pagbabago sa paggawa na kasamaan kundi kabutihan.Maraming salamat sa inyong Pakikiisa.